Aalis ka na ba?
This poem was written by a comrade. She’s now in the mountains.
Aalis Ka Na Ba
Ni Leslie Santos
Pagod ka na ba
Sa pakikisalamuha
Sa mga masa’t kasama
Babalik ka na ba
Sa malambot mong kama at sa mesa mong nagpipiyesta
Siguradong mamimis kita
Pero ikaw ang magpapasya
Kaya sa iyong paglisan
Ay baunin mo
Ang mga prinsipyo
Alala’t pag asa
Ng nag aalab na sona
At sana…
Sa iyong pamamasyal
Sa SM at sa Divisoria isang araw
Ay bibili ka
Ng bagong pares ng salamin o di kaya’y “contact lens”
Upang makita mong muli
Ang mayayabong na mga punong
Pagsasabitan ng duyan mo.
